senyales ng panahon

Dahil sa hamon ng ating Panahon, ito na ang bagong kolum ng inyong linkod! Una kong puntusan ang mga babala sa huling Araw,muli natin balikan ang naisulat na !
Sa mga pangangaral sa Bibliya ay ang babala ng End times. Kinumpirma ito ng tatlong mga gospel writers ( Matthew, Mark, Luke) ang mga babalang ito, ano-ano ba ang mga ito?Una,Panlilinlang! Sinabi nya na mag-ingat tayo na walang makalinlang sa atin, maraming darating sa aking pangalan at sasabihing sya ang mesyas . Ayon sa mga babala ng mga tv evangelist, ang mga tinaguriang mga deceiver ay yung mga influential na tao tulad ng Religious leaders, Celebrities, Rock artist, Politicians, Economist at maging Military officers. Sila yung mga personalidad na magdadala sa maraming tao sa kapahamakan. Ayaw kong magbangit ng pangalan pero kilala ang mga ito sa buong mundo.Ikalalawa, Digmaan, halos araw-araw nuon ay laman ng balita ang Israel-Lebanon conflict. Maraming Filipino ang nagsiuwi galing doon dahil sa umuulan daw ng bomba sa Beirut bagamat modified ang mga missile na ginamit ng magkabilang panig pero di maiwasan na ito ay mag mintis at minsan to whom it may concern ang tatamaan, kaya pansamantalang nagdeklara ng 48 hrs. ang Israeli government dahil sa Khana incident, tinamaan ang maraming mga sibilyan babae, bata at matanda at pagkatapos nito tuloy pa rin ang labanan. Ikatlo, Gutom, nais kong pasubalian ang mga doomsayer na kaya merong gutom di dahil sa over population, kung di dahil sa corruption, di tamang distribution ng pagkain at dala ng digmaan at natural calamities. Mayaman ang mundo sagana ang mga lupa at may mga hybrid miracle rice na nadevelop, kung mapapatatag lang ng isang lugar ang agrikultura ay di ito dahilang ng gutom. Subalit ang makataong aspeto ng problema ay patuloy hanngang may ganid at gahaman sa Pamahalaan. Ang natural calamities ay di maiiwasan pero kung may food surplus, malimitahan ang sakit ng sikmura.Ikaapat,Lindol, isang uri ng natural calamities na nagdulot ng napakalaking pinsala, ayon sa mga scientist ang Asia Pacific Region ang prone sa lindol dahil sa ilalim nito ay may gamundong halimaw na Ring of Fire, mga tectonic plates na kung gumalaw ay nagresulta ng lindol. Noong 1991 earthquake dito sa Pilipinas nasa UE Recto ako at nasa ilalim ako ng 7th floor bldg. habang yumayanig, agad akong tumakbo sa open ground . Sa aking pagkamangha nakita ko ang sementadong ground na parang alon ang galaw, matapos ang ilang minuto, binalita na may gumuhong hotel sa Baguio , eskwelahan sa Pangasinan marami ang mga namatay. Sakuna na di maiiwasan pero mapaghandaan at maligtasan kaya isinasagawa ngayon ang earthquake drill sa ibat ibang mga institusyon.Ikalima,Persecution, sa tagalog pag-uusig.Sino ang inuusig?Sila yung mga taong tinalikuran ang makamundong pamumuhay at sumunod ayon sa panununtunan ng Dios na nakasaad sa Bibliya.Ang susunod na mga tanda na siyang inuusig ay binigkas ni Hesus ang tinutukoy ay mga spiritual na tao , sila yung mga tinatawag na nagba bible study, born again, nagfe-fellowship, nagce-cell group, nagmiministeryo, in short ang mga ginagawa ay naayon sa tala ng Bibliya.Ikalima,Kamatayan! Kasunod ng mga binanggit bilang isang tanda ng sign of the times na sinabi rin ni Hesus “mapahiraapan at papatayin kayo, kamumuhian ng lahat ng bansa alang-alang sa aking Pangalan”. Sa biglang tingin, parang ang mga pasakit na ito ay para lamang sa mga Hudyo dahil sila yung nakapakinig habang sinabi ito ni Hesus , tama, dahil sa nakikita natin sa ngayon since time immemorial talamak ang mga hate campaign laban sa mga Hudyo ang lahing sinilangan ni Hesus , pagpatay ng 6 million Jews sa concentration camp, inquisition ng Roman Empire, Diaspora o ang pagkalat ng mga hudio sa ibat-ibang panig ng daigdig, apat na Emperial captivity namely, Babylonian, Assyrian, Graeco-Macedonian at Roman Empire. Ang tanging bansa na binabalingan ng atake kapag may conflict sa Middle East. Nakakapagtaka kung bakit ganun na lang ang pagkondena ng mga taga kanluran sa bansang ito. Death to Israel, death to America hindi dahil kakampi sila ng America, ito ay may malalim na ugat ng hatred na naging sanhi ng racism at anti-semeticism.Tandaan din natin na ang Pilipinas ay may derektang kamay din para sa pagkakinlanlan ng Israel.Pumirma ang huli sa UN Resolution na kilalanin ang Israel bilang bansa noong 1948, kaya baka sa mga susunod na hate campaign ay anti-filipino na rin.Sinabi pa na kung sino man ang tumanggap kay Kristo ay may karapatang maging anak ng Dios. Ang mga Hudio ay first born in terms of race, ang mga Christian ay born by faith at lahat ay may karapatan ng sonship o tawaging children of God. Kaya lahat ng believers ke Jewish ka O Gentile subject ka sa persecution, hate campaign and death. Maaring na amplify ang pag-uusig sa mga Hudio ngayon pero sa mandato ng Dios sa evangelization ng mundo marami ang mga Christian workers ang na -pepersecute, napapahirapan at napapatay. Ito’y nangyayari sa mga restricted nation at no conversion policy, buti na lang dito sa Pilipinas merong freedom of religion.Ikaanim,Apostasy o ang pagtalikod sa pananampalataya sa Dios.Maraming mga natitisod, ipagkakanulo at kaumumuhian ang isat-isa…..mula sa persecution to death, ay nagresulta ng turning away from the faith, ito yung magkasunod na punto na sinabi ng Dios. Ang pagtalikod sa pananampalataya ay dahil sa religious persecution isa ito sa nakapanghilakbot na scenario kung saan itatangi ng believer ang kanyang paniniwala sa Dios dahil sa labis na kapighatian. Sa end times dito masusukat ang pananampalataya ng mga Kristyano, ang sabi, sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang kapighatian ba, o kagipitan, o pag-uusig o kagutuman, o kahubaran, o panganib, o tabak?.....hindi ang kamatayan…..ay makakayang ihiwalay tayo mula sa pag-ibig ng Dios.Ikapito,Hate and Betrayal, mas matindi ang degree ng kambal offense na ito kung nagaganap within the circle na iyong ginagalawan sinabi na ipagkakanulo at kamumuhian ang isat-isa . Dahil sa malakas na tawag ng kamunduhan ngayon sa huling panahon nangyari ang pagtaksil at pagkagalit . Sa gitna ng mag-asawa, sa loob ng pamilya, magkapit bahay, magkaibigan, katrabaho, kabaranggay, kapartido, etc…tandaan natin na ang pinakamatinding betrayal ay sa pagitan ni Kristo at ni Hudas. Sa kabila ng magkaibigang guro at disipulo, kaya masakit, at lalo ding masakit kung magaganap ito sa pagitan ng mag-asawa na nagreresulta ng pagkasira ng pamilya. Subalit ipinakita ni Hesus na sya ang halimbawa ng pagpapatawad sa ginawang kataksilan. Tayo ay pwede ring magpatawad!Ikawalo,Paglitaw ng mga Bulaang propeta. Muli binanggit ni Kristo na mag-ingat sa mga bulaan o fake na mga religious leaders ngayon. Ito ay pagkumpirma sa unang bahagi ng babalang ito. At dahil dalawang beses na binanggit ang usapin na ito, ibig sabihin na binibigyan diin ito na lalo tayo maging mapanuri sa mga pinag-sasasabi ng mga sikat na tele-evangelist at mga preacher ngayon “maglilinlang sila ng marami”. Maaring gumagamit sila ng mga matatamis na salita at mga unconventional method na makuha ang atensyon ng marami pero sila pala ay mapaglinlang. Ang Bibliya din ang nagsasabi kung ano ang mga totoong propeta ng Dios, yung hindi self-proclaim o sinasabing ako ang propeta ng Dios. You shall know them by their fruits, dahil kung sa Dios sila nag-ugat na Dios ng kaayusan at kabanalan, e maayos at banal din sana ang resulta ng gawa nila.Sabi ni Gamaliel “Datapwat, kung ito ay sa Dios ay hindi nyo maaaring maibabagsak ito, na baka sa halip kayo ay masusumpungang makikipaglaban maging sa Dios, kaya kung ang gawa ng tao o grupo ay bulaan hindi rin ito magtatagumpay paraphrase ayon pa kay Gamaliel.Ikasiyam,Talamak na kasamaan !Increase of wickedness, The love of most will grow cold but he who stand firm to the end will be saved. And this Gospel of the Kingdom will be preached in the whole world as a testimony to all nations and end will come.Sasagana ang talamak na kamunduhan, imoral na binanggit ni Apostol Pablo sa sulat nya sa mga taga Galacia 5:19-21, ang babala nga sa huli, silang mga gumagawa ng ganitong bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Dios.Sa pagiging Hi-tech ng panahon ngayon, gayon din tayo naging accessible at exposed sa mga wicked materials, tulad ng mga pirated x-rated movies, internet, cable, porno, anumang oras ay pwede tayong tuklawin ng mga alipores ng Dyablo. Kung papayagin natin perwisyuhin tayo nito, nasa atin ang pagpili, at bilang magulang malaki ang responsibilidad natin na protektahan natin ang ating mga anak laban sa evil scheme na ito.Isa pa na di maiisantabi ay ang sobrang pamumulitika, lalong dumarami ang naghihirap, nagugutom, mga squatters, basura, sakit, etc. , ang mga namumuno ay patuloy na nagbabangayan. Nasaan ang sinabi ng Saligang Batas na “Public office is a public trust” pero sa sitwasyon ngayon di ko masasabing mapagkakatiwalaan ang Public office para isulong ang kapakanan ng maraming mahihirap.Sa panig ng mga namumuno, ang parating stratehiya ay kung paano ang manalo sa eleksyon, makalamang sa kalaban, sa kahit anong paraan. Di ko man ito mapatunayan pero ito ang obserbasyon ko at perception ng karamihan at nagresulta ito ng uncertainly.Kawalan ng maaayos na pamumuhay ng mga nakakarami,sasakyan naman ito ng mga tusong politiko.Ikasampo,Pag-ibig ng marami ay maging malamig. Sa loob ng pamilya pa lamang pag may di pagkakaunawaan, nangyayari ang dedmahan, walang kibuan, pakiramdaman, pataasan ng pride at worst nagkakasakitan na nauuwi sa hiwalayan.Ganon din sa complex ng lipunang ating ginagakawan. Mas mataas nga lang ang aggravating circumstances dahil may posisyon, pangalan, pera, at impluwensya na involved. Wag na tayong magtaka na kung ang dating matalik na magkaibigan ay naging mortal na magka-away na ngayon, dahil nga sa may nagtaksil at may nagagalit sa bawat panig. Datapwat, Sya na magtitiis hanggang sa katapusan, ay sya ring maliligtas. Ito’y tinutukoy sa endurance o pagigng matiisin, hindi tayo nagtitiis kung komportable ang buhay natin, kung habang buhay ka ng nagtitiis sa masungit mong asawa, tuloy lang, at least napanindigan mo ang pagbubuo ng pamilya. Kung matagal ka ng pineprewisyo ng kapit-bahay dahil nakakatulig na lakas ng videoke, ok lang, kung galit ka sa boss mo dahil parati ka nyang pinapahiya sa katrabaho mo, ayos lang, may gaganti para syo, kung worry ka dahil sa magulong politika at giyera sa Middle East, relax lang dahil sadyang mangyayari ito para mahamon tayo sa kabila ng lahat ng ito, kaya ba nating manindigan sa katwiran sa pammamagitan ng pagtitiis? Dahil ito lamang ang sukatan kung tayo nga ay karapat-dapat na isama at mapabilang sa Kaluwalhatian ng pagliligtas. Pagtitiis, may hanganan din ito.Ikalabing-isa, World Evangelization, At itong ebanghelyo ng kaharian ay mapapangaral sa buong sanlibutan bilang isang saksi sa lahat ng mga bansa at sa gayon ang katapusan ay darating. Ang pagkalahad sa ingles ay ganito “ And this Gospel of the Kingdom will be preached in the whole world as a testimony to all nations, and the end will come”.Ito’y tumutukoy sa global evangelism at kung ang pangangaral sa mundo ang ating e-analisa sa makabagong technolohiya ngayon, meron pa bang hindi nakakarinig ng layuning pagliligtas ng Dios. Ang usaping ito ay tumutukoy sa hinaharap na buhay na ang social system ay pinamumunuan mismo ng Dios, Si Kristo bilang King of kings at ang set of power ay sa Jerusalem, Israel. Ang pamahalaan ay pinatatakbo sa pamamagitan ng monarchial-theocratic government. Meaning meron tayong King-God rulership kaiba sa sistema natin ngayon na may grid lock sa liderato. ke Presidential o Parliamentary. Si Hesus bilang pinakamataas na pinuno ng mundo at lahat ng mga national leader ay papasakop sa kanya bilang pagtupad sa sinabi ni Pablo na lahat ng tuhod ay luluhod sa Kanya.Pero bago tayo dalhin sa paghahari ng Dios, unawaiin muna natin ang galaw ng Gospel at ang reception ng tao dito. Ayon sa authorized king James version ang salitang “preached” ay past tense ibig sabihin naipangaral na bilang isang saksi sa lahat ng tao, at tinutukoy nito ay naipahayag na nabroadcast, naipamahagi sa lahat ng pamamaraan, salamat at may mga tumanngap pero may mga tumanggi rin, hindi kasi diktador ang Dios. Ikaw kaibigan, hindi mo sasabihin na hindi ko narinig ang mensaheng pagliligtas ng Dios. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na exempted ka sa parusa ng Dios. Ang concept kasi ng punishment e yung nag reject sa inaalok na pagliligtas na pangako ng Niya. Ang sabi naman ni Pablo “ sa naglalagablab na apoy ay maghihiganti sa kanila na hindi nakakakilala sa Dios, at hindi tumatalima sa ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Kristo. Hindi rin tayo dapat maconfuse mga tol dahil sya lamang ang tagapagligtas. Sinabi Niya na “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makakatungo sa Ama kungdi sa pamamagitan Ko”. Walang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa gitna ng mga tao na sya nating dapat ikaligtas. Simple di ba..Wag na sana tayo magulomihanan sa mga pangangaral na dala ng mga palsong propeta na binanggit natin sa una pa lamang, at sa lalong simpleng pang-unawa ang aking paniniwala ay ganito, ako na nananampalataya kay Kristo bilang Dios at tagapagligtas ng aking kaluluwa, bago pa man dumating ang delubyo dito sa mundo o ang global catastrophe na iparamdam sa mga tumangi sa kaligtasan ng Dios, mangyayari ang pagdagit o rapture sa mga believers na isinaad sa 1 thess. 6, Siguro naman hindi na ito mahirap unawaiin, ayon kasi sa turo ng mission school, mangyayari sayo ayon sa pinaniwalaan mo, ayon sa naintindihan mo mula sa ebanghelyo. Sabi ng patalastas mas mainam ang sigurado kesa siguro!Meron ka lang kaisa-isang kaluluwa, gusto mo bang ilagay pa ito sa alanganin….nasa iyo ang desisyon ! Ito ang babala ng huling panahon !